bakit hindi ko maamin?


Noon, hindi ko maisip na magmamahal pa ako ng ibang tao. Kahit na nagbreak kami ng ex ko, akala ko, siya pa rin ang mamahalin ko kahit na sobrang tagal na ang lumipas. Pero ngayon, hindi pala.

Noon, ayoko maging call center agent. Ang hindi ko inaasahan, nang malipat ako ng account ay maeenjoy ko na ang trabahong ito. Naging tech support ako atΒ  internet service provider ang account na nalipatan ko [mahilig pa mandin ako sa computers at sa internet].Β  Isa pa, hindi ko inaakalang may makikilala ako na magpapakilig uli sa akin — hindi nga lang niya alam 😦

Tama, crush ko siya.Β  Matalino kasi siya. Kahit ano, napag-uusapan namin. Sweet din sya, maalaga. Romantic pa. Kapag naging boyfriend mo siya, alam mong hindi ka niya pababayaan. Pero siyempre, hindi lang siya sa akin nagpapakita ng ganon. Pati sa ibang babae. Sa mga workmates ko. Nature na talaga niya iyon — ang tulungan at maging sweet sa mga babae. Kaya hindi na nakapagtatakang maraming may crush sa kanya.

Ang ibang babae, liberated. Pag gusto nila ang isang lalake, sige, go lang, aaminin nila sa buong mundo. Lalapit sila, makikipagkwentuhan, mamaya, nakakapit na sila sa taong gusto nila, parang tuko. Ayaw pakawalan. Parang sinasabi na, “Akin lang siya.” Ganyan ang ibang babaeng may crush sa kanya. Eh ako, eto, tinitingnan lang sila, nakatanaw, bumubuntong-hininga, humihiling na sana, ako, kaya ko ring gawin ‘yon.

Bakit nga ba hindi ko maamin? Na-trauma na siguro ako dati sa first boyfriend ko, ako kasi ang unang umamin. Ang nangyari, ako ang unang nagkagusto, siya ang unang nagsawa. Kaya ngayon, hanggang hiling na lang ako na sana, ako naman ang mapansin niya.

Masarap siyang kasama. Masarap kakwentuhan. Kaibigan ko nga siya eh. Kaso, isa rin sa mga kaibigan namin ang may gusto sa kanya. At alam NIYA iyon. Sabi pa nga niya, nahihiya siya sa kaibigan namin. Ayan tuloy, mas lalo akong natakot na aminin sa kanya. Pag inamin ko kasi, malamang, magkailangan din kami. Hindi na niya ako papansinin tulad ng ginagawa niya ngayong close kami. Kaso minsan, naiingit ako sa kaibigan namin, at least siya, may guts, matapang. Eh ako, eto, tahimik lang na humihiling ng himala. Ayoko pa naman na lalo akong maingit sa kaibigan namin, paano ba naman kase, minsan, kung sino ang alam ng mga lalake na nagkakagusto sa kanila, mas lalo yatang dun sila nagkakagusto.

Hay, buhay. Ang hirap pala pag ang status ko ay “bestfriend“. Pag nagkataon at tumagal itong pagkakaroon ko ng crush sa kanya, malamang, ang status ng lovelife ko, it’s complicated. Hay, mapapansin kaya niya ako? Ang hirap talaga. Pero nakakakilig, kasi at least, siya ang nagpapatawa sa ‘kin pag nalulungkot ako lalo na ‘pag nahihirapan ako at gusto ko nang sumuko. πŸ˜€

One thought on “bakit hindi ko maamin?

  1. First of all.. I know what’s running on your mind…

    You won’t post this if you are not having an idea of What ifs, right?

    Before you come up with a decision of whether or not you will spill it out.. First, be sure that you are ready for the possibilities and the consequences… And are you ready to be turned down again? Coz if you are, ask yourself, are you really ready to let go of what happened in the past? Are you ready to love whole-heartedly again?…

    Maybe you are thinking of “What could have been if I fought for what I feel?”

    Tol, when you fight for Love, you can’t never be sure enough whether “he” will love us or “he” will break us.

    That’s why you don’t always have to fight… But when you fight, WIN…

    That’s why you have to ask yourself thousand times, Is “he” worth fighting for?

    I don’t want to tell you what you should do, coz it’s your battle…

    For whatever decision you may have…

    JUST BE STRONG…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s