Paalam, Pag-ibig


Di maipaliwanag na damdamin ang aking nadarama
Mula nang huling araw na di tayo magkita
Aminin man sa pusong minamahal kita
Ngayo’y di mo na malalaman dahil umalis ka na.

Sa mga gabing madilim ang langit
Narito ang pusong tahimik na nagngingitngit
Naging duwag ang sariling ipaalam sa iba
Pag-ibig sa puso kong ngayon lang nadama

Di inaakalang ako’y iiwan, ako’y iyong pababayaan
Mula nang ipakita’t iparamdam sa akin ang aking kahalagahan
Di inaakalang sa iyong paglisan
Ako’y iiwan mong mag-isang luhaan.

Walang alam ang puso ko kun di ang isipin ka
Nang aminin ko sa sariling minamahal kita
Di lang makausap o makita kaya
Agad nang nasasaktan ang pusong labis na nag-aalala.

Sa kalaliman ng gabi, laging ikaw ang nasa isip
Di makatulog dahil ikaw ang ipinipintig
Pusong nangungulila, pusong nalulumbay
Masakit ang puso kong di mo na hinintay.

Marami tayong pinagsamahan sa mahabang panahon
Ang lahat ng iyon, pinapangakong di ko ibabaon
Bagkus dito sa pusong nagmamahal ito tatago
Magagandang alaala ibinigay ng tulad mo.

Kahit anong sakit, pilit na pinaglalabanan
Dahil kailangang ipagpatuloy ang aking sinimulan
Pipiliting buhay ko’y maging masaya’t kuntento
Kahit wala ka na dito sa piling ko.

Laking pasasalamat ang idudulot sa Maykapal
Dahil kahit sandali, ako’y umiibig at nagmahal
Sa taong tulad mo na ipinaramdam sa akin
Kung paano ang umibig at ako’y ibigin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s