Puso o Isip?

Pusong iniingatan, nasaan ka na?
Bakit nawala ka sa dati mong kinalalagyan
Bakit nga ba tumatalon ka na lamang nang biglaan?

Nandito lang ako, sabi ng puso ko
Nakatingin, nakatitig, nag-aabang
Nararamdaman ko ang nais mong ipaalam
Pero may pagkakataong ang paghihintay
ang isang bagay na dapat ipaglaban.

Maghintay ka!, sabi ng isip ko
Alam mo namang sa pagmamadali, walang
magandang kahihinatnan
Lahat ng bagay, may tamang panahon
Sa bawat panahon, may nararapat kang matutunan at ipangalandakan.

Puso:
Ngunit bakit ganito, hindi ko maipaliwanag aking nadarama
Sa isang banda, nais ko sya’y laging makasama
Sa bawat sandali na nais ko syang makita
Tanging ninanais ay lubos ko syang makilala.

 

Isip:
Minsan, puso, ika’y mapanlinlang
Minsan mo na akong dinaya sa iyong mga nararamdaman
Ngayong may pagkakataong ihayag ko ang aking mga ideya
Di ko na hahayaang masaktan pa sya
Sapagkat, ikaw puso, at sya na ating pagkatao,
ay nais kong maging masaya.

 

Puso:
Isang beses lamang ako nagkamali, isip
Sa dinami dami ng ating pinagdaanan
Hindi mo ba hahayaang ang ating mahal na pagkatao ay tuluyang maging maligaya?

 

Isip:
Sa isang pagkakamali mo, puso
Natutunan kong maging malakas
Natutunan kong unahin muna ang sarili ko
Sa bawat pagkakamali na nagawa mo
Hindi lang ikaw ang nasasaktan, pati ako
Sa bawat pagkakamali mo, lagi mong tatandaan
Ang aking mga natutunan ang syang magbibigay
direksyon sa iyong tatahaking daanan
Puso:
Tama ka, isip, hahayaan kitang mag-isip
Pero hindi mo mapipigilan, aking nadarama kahit isang saglit
Pag-ibig na syang kakaiba
Alam mo namang hinahanap-hanap ko na.

Isip:
Mas makabubuting hindi tayo magtalo
Bagkus, hayaan natin sya sa kanyang mga plano
Kung may balanse sa iyong damdamin at sa aking ideya
Sigurado, pag-ibig na wagas at tunay, kanya nang madarama.

 

Pagkatao:
O puso at isip, hindi ko alam sino ang susundin sa inyo
Isa lamang ang alam ko, naguguluhan ako
Sino ba dapat ang pakinggan, si isip o si puso
Para maramdamang tunay
ang pagmamahal na kay tagal nang hinintay?
Tama! Isa lamang ang alam ko na dapat gawin
Sa Maykapal, siguradong ako’y diringgin
Hahayaan ang puso maramdaman ang sarap ng pag-ibig
Hahayaan ang isip magsabi ng dapat gawin
Ngunit sa lahat ng ito, hahayaang ang Maykapal ang magdikta ng aking damdamin.

Ngayon alam ko na
Hindi na ako magugulumihanan pa
Puso man o isip ang syang paiiralin
Kung ang Maykapal ang may huling salita
Sa aking mahal, ako’y lubusang mamahalin.

Still

Have you ever loved someone?
Have you ever felt the feeling that you have found the one?
Well, in my case, I don’t know if he’s right guy for me
But I always prayed to God that, someday, somehow, he would be my destiny.

Ok, I know I’m still young and have lots of things to learn
But what can I do? I am only a human, a being capable of loving
I know I must first have great titles to earn
Before I can venture in the world full loving and caring.

I guess you’d be surprised if I tell you that I hate him at first
“We are competitors,” that’s what I tell myself at most
He competes with me in academics and so am I
I don’t even care if he’s a cutie pie.

When our paths would meet, we would avoid each other
When we must work together, we always choose another
I don’t like him I don’t know why
Maybe because he always competes with me and makes me cry.

For almost two years, we were always like these
We didn’t do anything that would make each other please
Until one day, I just realized I badly needed his help
Because I couldn’t finish that work only by myself.

And so, I humbled myself and asked him to help me
Even though I know we didn’t treat each other fairly
He gladly lend a hand and helped me with my work
Even though he knows I avoid him at most.

By this gesture, it surprised me a lot
And because of this, I admire him somewhat
This admiration grew as time passed by
For I became a friend with this kind of guy.

I planned to tell him what I felt about him
But then, the opportunity I see was somewhat dim
For a friend told me that he is longing for another
And so, my dreams with him were really broken after.

Now, I’m trying hard to forget that he’s really the one
But I know in my heart that my feelings are still not gone
I’m still hoping and praying that someday we will be
But for now, I guess I’ll just reach out what I wanted to be.

*This is a poem I’ve written last January 16-17, 2005 for my speech communication course.

My inspiration for this poem: my first crush in high school. 🙂

Paalam…

pen and paper
Ang tulang ito ay pinasulat sa amin ni Sir Dennis Aguinaldo on our last day of classes sa Humanities 1. Ito ang tulang ginawa ko lamang sa loob ng 5 minutes dahil inoorasan kami ni Sir. Kung ano man ang iniisip ko, iyon na ang isiulat ko at hindi ko na binago. Dito, lumabas ang creative juices ko. Para sa ibang tao, dito na lalabas kung ano man ang tunay na laman ng damdamin ng isang tao.

“Ang hawak mo lang ay papel at ballpen, tapos sa loob ng limang minuto, iyon lang ang oraas mo para gawin ang mga huling bagay dahil papatayin na kita. Ngayon, hawak ang papel at ballpen, anong isusulat mo?”

 

 

Malapit nang kunin ang buhay ko
Malapit nang matapos ang lahat ng ito
Konting oras na lang ang natitira
Upang ihayag ko ang aking nadarama.

Hindi ako mabuti, iyan ang masasabi ko
Hindi rin naman masama ang mga ginawa ko
Ngayon, ang tanging nais ko lang gawin
Ay ang ibigay sa mga mahal ko ang kanilang hinihiling.

Alam ko, oo, di ko magagawa iyon
Wala akong kapangyarihan upang gawin iyon
Pero ngayon, ang tangi ko lang magagawa
Ay ang isulat ang aking nadarama.

Gusto kong magpasalamat sa aking ina
Gayon din naman sa aking ama
Gusto kong sabihing mahal ko ang kapatid ko
Pati na rin siyempre ang kaibigan ko’t kabaro.

Humihingi ako ng tawad sa mga nagawan ko ng kasalanan
Minsan, alam ko, hindi ako naging mabuting anak at kaibigan
Ngayong aalis na ako, gusto ko na lamang sabihin sa inyo
Salamat, patawad, pupunta na ako sa dapat paroonan ko.

Mahal Niya Tayo

Tunay nga na napakabuti Niya
Dahil lahat ng kailangan ko, ipinagkaloob Niya
Di Siya nagsasawang mahalin ako
Kahit na ano pa man ang aking pagkatao.

Noon, wala akong pakialam sa Kanya
Lumapit man Siya, ‘di ko Siya iniinda
Noong ako’y nagkaproblema, naroroon pa rin Siya
Di Niya ako hinayaan na kayanin ang lahat ito nang mag-isa.

Jesus and others

Noong panahong kailangan ko ng pera, bigla na lang na padadalhan Niya ako
Ng mga taong handang magbigay at tumulong para sa mga pangangailangan ko
Kapag kailangan ko ng kaibigan, di Siya nagsasawang sa tabi ko ay umupo
Kahit na ang tangi lang Niyang gagawin ay makinig sa aking mga kwento.

Minsan nga, naiisip ko, sa lahat ng aking nagawa
Naging mabuti bang talaga ako sa Kanya?
O kaya nama’y baka ginagawa ko lang Siyang sandalan
Sa tuwing ako’y may problema at nangangailangan lang ng kakwentuhan.

Buti na lang at mayroong nakapagsabi sa akin
Na walang hanggan daw ang pagmamahal Niya sa atin
Kung sakali mang Siya’y aking tanggapin sa aking buong sistema,
Walang hanggang buhay naman daw ang ipinapangako Niya.

Nang ito’y aking malaman, di ko ito agad tinanggap
Sabi ko, aanhin ko ang mga ganitong salita kung ako pa rin ay naghihirap
Mahirap maniwala kung di mo pa ito nakikita
Lalo na kung tipong imposibleng mabigyan ng solusyon ang bigat ng mga problema.

Sa paglipas ng panahon, ipinaramdam pa rin Niya sa akin
Kung gaano ako kahalaga sa Kanyang paningin
Kaya nga nang tanggapin ko Siya bilang bahagi ng aking kabuuan
Naramdaman kong ‘di ko lang Siya sandalan, kaibigan o karamay
Siya rin pala ay pwede kong maging isang maunawain at mapagmahal na tatay.

May mga pagkakataon na tinuturuan Niya ako ng leksyon
Kapag alam Niyang ako’y nalalayo na sa Kanyang intensyon
Natutunan kong mas makakabuti kung Siya’y aking susundin
Dahil wala Siyang ibang hinangad kundi ang ako’y mapabuti sa Kanyang piling.

Ngayon nga, nagpapasalamat ako sa ating Diyos Ama
Sapagkat kung hindi dahil sa Kanya, malamang ako ngayo’y napasama
Ganoon din ang plano Niya sa buhay ng bawat isa sa inyo
Dahil nga sa katotohanang mahal na mahal Niya tayo.

Jesus only

This is a poem I’ve written way back during my college days and up to now, my situation still coincide with its message. Whether I’ve written this poem in English or Filipino, its message of God’s love is still eternal whatever our situation may be.

Unique in Me

When I was young (note: 10-15 years ago), my self-esteem still had to be developed big time. I rarely talk to anybody and my only way to express myself was through writing. Over the years, I’ve improved, yet, my love for writing as my way of expression never ceased. One way or another, I know each of us has this desire to be known, to be understood, to be appreciated and to accepted. However, somewhere along the way, this desire may have been quenched and there’s no way to let ourselves be known. Let me just encourage you that as an individual, I guess we just have to accept who are first and foremost before other any other person accepts us for who we are.

Anyway, this is a poem I’ve written way back Nov 24, 2004 as a requirement for my speech communication course. This is the first time I’ve written a poem and read it in front of the class. This act had, in one way or another, allowed myself to be known and be appreciated — a step to growing maturely, that is, taking risks.

Unique in Me

First of all, I want you to know that I don’t know what to say
Maybe because I’m not the type of girl who is always gay
I guess I’ll just tell you what’s unique in me
So that you will know what will see.

For many years, I’ve been searching
For a friend that is equally worth winning
When the time came that I have found them
I promised to myself that I will always keep them

They are always there when I am happy
They always comfort me when I am gloomy
With my friends, I can always be myself
And not like those who tries to be their other self

We’ve struggled through the hardest times
And during those times, our friendship binds
For each new problem that we encounter
We always make sure that we solve it together

And now, I guess you know what makes me unique
It’s the fact that I have my friends that I can always keep
With our principle, “we don’t owe the world any explanation”
I can now face the world with dignity and determination.

Paalam, Pag-ibig

Di maipaliwanag na damdamin ang aking nadarama
Mula nang huling araw na di tayo magkita
Aminin man sa pusong minamahal kita
Ngayo’y di mo na malalaman dahil umalis ka na.

Sa mga gabing madilim ang langit
Narito ang pusong tahimik na nagngingitngit
Naging duwag ang sariling ipaalam sa iba
Pag-ibig sa puso kong ngayon lang nadama

Di inaakalang ako’y iiwan, ako’y iyong pababayaan
Mula nang ipakita’t iparamdam sa akin ang aking kahalagahan
Di inaakalang sa iyong paglisan
Ako’y iiwan mong mag-isang luhaan.

Walang alam ang puso ko kun di ang isipin ka
Nang aminin ko sa sariling minamahal kita
Di lang makausap o makita kaya
Agad nang nasasaktan ang pusong labis na nag-aalala.

Sa kalaliman ng gabi, laging ikaw ang nasa isip
Di makatulog dahil ikaw ang ipinipintig
Pusong nangungulila, pusong nalulumbay
Masakit ang puso kong di mo na hinintay.

Marami tayong pinagsamahan sa mahabang panahon
Ang lahat ng iyon, pinapangakong di ko ibabaon
Bagkus dito sa pusong nagmamahal ito tatago
Magagandang alaala ibinigay ng tulad mo.

Kahit anong sakit, pilit na pinaglalabanan
Dahil kailangang ipagpatuloy ang aking sinimulan
Pipiliting buhay ko’y maging masaya’t kuntento
Kahit wala ka na dito sa piling ko.

Laking pasasalamat ang idudulot sa Maykapal
Dahil kahit sandali, ako’y umiibig at nagmahal
Sa taong tulad mo na ipinaramdam sa akin
Kung paano ang umibig at ako’y ibigin.